Nox Player

Gustong patakbuhin ang mga Android app at laro sa iyong PC? I-download ang Nox Player.nox player app



Gamit ang Nox App makakapaglaro ka ng iba’t ibang Android games tulad ng PUBG sa iyong PC at Mac. Ang Nox ay isang android emulator, na libre ding i-download.

Windows PC

Mac OS App

Paano I-download ang Nox Player:

  1. Pumili ng isang link sa itaas at pindutin upang i-download ang installer sa iyong desktop o laptop.
  2. Hanapin ang na-download na installation file at pindutin ito upang magsimulang mag-installnox player download
  3. Sumang-ayon sa mga Tuntunin at Kondisyon at pindutin ang Install button
  4. Pumili sa pagitan ng online o offline installation ( ang offline ay aabutin ng ilang minuto, ang online ay maaaring abutin ng 15 minuto o higit pa )

Paano Gamitin ang Nox Player:

  1. Kapag na-install na ang Nox Player, pindutin ang Start upang buksan ito at hayaan itong mag-load – maaaring abutin ito ng ilang minuto.nox emulator startup
  2. Ang Nox android homescreen ay lalabas sa iyong computer, kung saan makikita mo ang ilang pre-installed app, ang isa dito ay ang Google Play Store.
  3. Pindutin ang PlayStore button at i-set up ang iyong account – sa pag-log in ng detalye ng iyong Google account o pag-set up ng bagong account.
  4. Sundin ang tagubilin sa screen upang kumpletuhin ang setup. Maaari mo ring lagpasan ang pag-set up ng PlayStore at i-install pa rin ang APK files.
  5. Kapag tapos na, makakakita ka ng maraming opsyon sa kanang hand sidebar ng Nox Player – dito, pwede mong i-install ang APK file, maglipat ng file, at marami pang iba. ( Larawan sa Ibaba: TutuApp APK na tumatakbo sa PC gamit ang Nox Player )tutuapp on windows pc

Mga Tampok sa Nox Player:

  • Swabe at mabilis na paglaro – ang bilis ang pangunahing konsiderasyon, at ang Nox ay isa sa pinakamabilis na emulator na magagamit ngayon, kasama sa isa sa pinakaswabe. Maaari mong i-customize lahat ng performance settings, hanggang sa pagtakda kung ilang CPU at RAM ang gagamitin. Kung gusto mo ng normal na paglaro, ang 2 CPU at 1.5 GB RAM ay sapat na dapat.
  • Tugmang Controller – kung mahilig kang maglaro, alam mo kung gaano kagandang gumamit ng controller kaysa sa touchscreen. Ang ilang Android device ay may suporta para sa controller, pero hindi lahat; ang Nox Player ay may suporta para sa lahat ng 3rd party controller, kasama ang suporta para sa Xbox controller.
  • Android Device Emulation – buong emulation, at kasama dito ang numero ng iyong cellphone, numero ng IMEI, modelo ng cellphone, at marami pang ibang partikular na tampok sa iyong device.
  • Root Access – ang Nox Player ay naka-root agad sa SuperUser upang ma-access mo lahat ng file sa iyong PC.

Gabay sa Pag-troubleshoot:

Habang tumatakbo ang Nox Player, maaari kang magkaroon ng ilang error na pumipigil sa Nox Player para ma-install at gumana ng maayos. Maaaring may ilang dahilan para lumabas ang mga error na ito. Ang mga sumusunod ay ilang karaniwang solusyon.

  1. Outdated na Graphic Card – Ito ay madali lamang ayusin; i-update ang iyong graphics card driver. Maaari ka ring mag-install ng automatic software tulad ng Driver Booster na nakikita ang mga outdated driver at ina-update ang mga ito, o maaari mong manu-manong i-update ang driver.
  2. Conflict sa Antivirus Software – Kung gagamit ka ng external antivirus software, tulad ng Avast o Bitdefender, maaari kang magkaproblema sa pag-install at pagbukas ng Nox Player. Maaaring ang installation indicator mo ay mahinto sa 99% at hindi gumalaw, at ang pinakamadaling pag-ayos nito ay ang i-disable ang antivirus pansamantala. Bukod dito, maaari kang pumunta sa settings at ilagay sa “exception” ang Nox Player; sa ganitong paraan, ang software na Nox Player ay maaaring ma-install.
  3. Conflict sa Windows Defender – Kung gagamit ka ng built-in antivirus software ng Microsoft na Windows Defender, maaari nitong makita ang Nox Player bilang banta at pigilan kang buksan ito. Muli, maaaring i-disable mo ang Windows Defender o gawing exception ang Nox Player.
  4. Hindi Tumatakbong Nox Player Installer – Nangyayari ang problemang ito sa Mac kapag ang Nox Player installer ay na-download pero hindi tumatakbo. Para ayusin ito, una, hanapin ang installer at i-right-click ang icon; piliing buksan ng manu-mano.
  5. Pag-install ng Lumang Bersyon ng Nox Player – Kung ang pinakabagong bersyon ng Nox Player ay nagiging dahilan ng problema, subukang mag-install ng tugmang lumang bersyon.

Mga Madalas na Katanungan:

  • Ano ang Nox Player?

Ang Nox Player ay isang Android Emulator kung saan pwede mong gamitin ang desktop computer upang maglaro ng mga Android game. Gamit ang Nox, maaari mong samantalahin ang specs ng iyong computer, tulad ng memory, processor, mas malaking display, at iba pa. Kayang gawin ng Nox na maging isa sa pinakamalakas na Android phone ang computer.

  • Ligtas Bang Gamitin ang Nox Player?

Oo, ang Nox ay isang kilalang brand, at ang produktong ito ay napatunayang ligtas sa lahat ng kilalang Anti-Virus at Anti-Malware platform.

  • Libre Ba ang Nox Emulator?

Oo, ang Nox Player ay libreng i-download at gamitin sa anumang Windows PC o Mac computer.

  • Ang Nox Player Ba ay Mas Maganda Kaysa BlueStacks?

Pareho silang magandang Android emulator, ngunit ang Nox ang pinakabago na may mas maraming kontrol, tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba.

  1. Ang Bluestacks ang pinakamalaking emulator para sa Android platform, pero nakatanggap ito kamakailan lamang ng update na nagpabagal ng performance. Ang Nox Player ay maganda din ang abilidad sa paglaro, pero meron itong dagdag na benepisyo ng hindi bumababa ang performance. Ibig sabihin ay maaari kang magbukas ng ilang laro ng magkakasabay ng walang napapansing problema.

Ang Nox Player ay mas madaling i-root kaysa sa Bluestacks

  1. Ang Bluestacks ay mataas ang iskor sa maraming benchmark test, pero ang Nox Player ay mas magaan. Malayo ang kinakailangan nito sa system kumpara sa Bluestacks at, kung ang isyu sa pagkakatugma ay problema, Nox ang pinakamagandang opsyon.
  • Paano Ko Ikokonekta ang Game Controller Ko sa Nox?
  1. Gamit ang tamang kable, ikonekta ang controller sa iyong computer.
  2. Makakakita ka ng controller icon na magpapakita sa taas ng Nox screen kung naging matagumpay ang pagkonekta.
  3. Pindutin ang icon na ito, at buksan ang Settings.
  4. I-adjust ito sa ayon sa gusto mo
  5. I-save ang bagong settings, at handa na ang controller mo.
  • Bakit Nagla-lag ang Laro Ko sa Nox Player?

Nangyayari ito dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Hindi sapat na RAM o memory na itinalaga sa Nox Player.
  2. Ang processor ay mababa ang performance,
  3. Ang iyong graphics card driver ay outdated.
  4. Ang antivirus software ay nakakaharang sa paggana ng Nox Player

Ang tamang paraan upang magamit ito ng maayos ay ayusin ang mga problema sa itaas bago gamitin ang Nox Player.

  • Bakit Nag-crash ang Nox Emulator?

Maaari itong mangyari dahil sa ilang dahilan, karaniwan ay dahil sa outdated na graphics card driver o problema sa pagiging tugma. Ang pinakamadaling paraan upang malaman ito ay patakbuhin ang iyong system diagnostics.

  • Bakit Bumababa ang FPS Ko sa Laro?

Ang pagbaba ng FPS ay sobrang nakakairita sa mga naglalaro at madalas ay dahil sa graphic card driver at sa GPU. Siguraduhin na ang driver ng iyong card ay updated at ang Nox Player ay nakatakdang tatakbo sa pinakamataas na performance mode. Maaari mo ring baguhin ang settings ng laro batay sa system specs ng iyong computer.

  • Paano Ayusin ang “Can’t Connect to the Network” Error

Ito ay isa pang karaniwang error na maaari mong makuha habang nagba-browse ka sa internet gamit ang Nox Player. Ang pinakamadaling pag-ayos nito ay baguhin ang Domain Name Server ( DNS ) settings sa emulator sa pagbago nito sa iyong computer o sa Wi-Fi settings. Ang pinakakaraniwang libreng DNS service ay Cloudflare DNSGoogle Public DNS, at OpenDNS.

  • Paano Ayusin ang Pagpapabagal ng Antivirus Software sa Nox Emulator

Ang ilang gumagamit ay nag-ulat na ang antivirus software nila tulad ng Norton, Kaspersky, ESET NOD, at Avast, ay nagpapabagal sa Nox emulator. Upang malaman kung ito ang kaso mo, i-disable ang real-time protection ng iyong antivirus software at tingnan kung makakaapekto ito sa emulator. Kung naayos nito ang isyu, ikonsidera ang pagdagdag ng Nox Player sa iyong firewall bilang exclusion o exception – siguraduhin na muling paganahin ang iyong antivirus matapos patakbuhin ang test.

  • Paano Ko Aayusin ang White/Black Screen na Isyu sa Nox Player?

Ang unang dapat gawin ay buksan ang Settings > Performance > Graphics Rendering Mode at baguhin ang rendering mode sa iba, hal., mula DirectX patungong OpenGL o vice versa. I-save ang bagong settings, i-restart ang emulator, at subukang muli. Kung hindi nito naayos ang isyu, subukang baguhin ang graphics driver’s performance mode ng iyong AMD o NVIDIA sa high performance at tingnan kung ang iyong driver ay updated.

I-download ang Nox Player ngayon at mag-enjoy sa mga benepisyo ng pinakaepektibong Android emulator na inilabas.

Rating ng mga Gumagamit:

4.3 / 5. 55

Leave a Comment